Karaniwan sa ating mga Pilipino ay nangangarap magsimula ng maliit na kabuhayan pero hindi natin alam kung paano sisimulan kaya madalas kumokunsulta tayo sa mga tao na tingin natin ay mas nakakaalam kesa sa atin, ang resulta, - scam, negosyong mahina ang pundasyon, pagpasok sa multi level marketing/pyramiding scheme na di naman natin naintindihan, pagkalugi sa maling investment.
Madalas pag nangyari ito, nagtatanong tayo, "Saan ako nagkamali?" ang palusot ng business expert kuno, "Sir, Mam, kulang po kase kayo sa tyaga, sana sinipagan nyo pa para di kayo nalugi", kundi lang masama manampal ng tao, malamang nasampal nyo sya, pero huli na, wala na kayong pera, ang natitira na lang ay ang kahoy na Foodcart na may tarpaulin, mga kawali, kalan, etc. etc, na nakatambak sa likod bahay o sa tapat ng bahay. Ilalagay nyo "For Sale Foodcart" after ilang months papalitan nyo ng paskil "For Sale Panggatong". At least napakinabangan nyo yung kawali, at yung kalan, pwede nyo dalhin pag may outing.
Bago naging talamak ang Franchising, at bago ito na exploit, naisip ko na ang konseptong ito, mag conceptualize ng foodcart business, ibenta ang franchise sa mga ignoranteng OFW, retiree, mga may sobrang pera na di alam kung paano gagastusin. Samantalahin ang kawalan nila ng alam sa negosyo, gumawa ng pekeng feasibilty study at i present sa seminar sa isang kwartong punong puno ng biktima, este potential franchisees pala.
Pero di ko pala kaya, so nagdesisyon ako ibasura yung project, at nag isip ako ng ibang pagkakakitaan na di ko kailangan manglamang ng kapwa. At kahit papano kumita naman ako ng disente sapat sa pangagailangan ng pamilya, nakakapagtabi ng paunti unti para sa kinabukasan, na lahat naman siguro sa atin ay yun ang layunin kaya gustong pumasok sa negosyo.
Ngayon gusto ko ishare sa inyo ang maliliit pero praktikal at kapaki-pakinabang na mga business advice ng walang bayad. Natutunan ko ng libre base sa experience, ipapamahagi ko ng libre. I click lamang po ang mga susunod na post ng inyong lingkod para mas detalyadong pag uusap tungkol sa negosyo.