Thursday, July 15, 2010

Parang Sugal nga ba ang Negosyo?

Madalas, hinahalintulad sa sugal ang pagnenegosyo, dahil karaniwan tila ba walang kasiguruhan ang pagpasok dito. Madalas sa hindi, nakikita natin ang mga kakilala natin na sumubok at bandang huli ay nalulugi kaya nakukuntento na tayo sa pagiging empleyado, "at least may regular income ba".

Tama po ba ang isiping ito? Para sa akin, ito po ay katwiran ng ignorante, (pasensya na po pero totoo po ito). Bakit malakas ang loob ko sabihin ito? Dahil po malayong malayo sa pagsusugal ang pagnenegosyo, nagiging parang sugal lamang ito, kung basta basta tayo papasok ng hindi muna natin pinag aralan o kulang sa plano.

Pero kung ang isang negosyo ay napag aralan at napagplanuhan, liliit ang tsansa ng pagkalugi o "risk". Kung planado ang lahat at alam mo kung ano ang gusto mo pasukin at ang gusto mong puntahan, malulugi ka ba? Pwede, pero hindi siguro dahil mali ang ginawa mong pagpasok sa negosyo, napagplanuhan nga at napag aralan eh, baka dahil mali ang pagma-manage natin sa ating sarili mismo gaya ng pag-gastos ng higit sa ating kinikita na madalas sakit din ng marami. Konting nakahawak ng pera - upgrade ng lifestyle, upgrade ng bisyo, upgrade ng kayabangan so ang resulta, nagagamit mo yung puhunan mo sa ibang bagay ng hindi mo namamalayan, at presto- bankruptcy ang resulta o kumbaga sa sugal ay natalo pati ang pato at panggulo.

3 comments:

  1. It is very useful information!

    Also here is more information related on line free money earning:

    MAKE MONEY BEFORE YOU PAY-90 DAYS FREE TRIAL-NO CREDIT CARD INFORMATION REQUIRED

    Website is on line since 13-Feb-2005.

    Please visit and join free to earn a lot at:

    http://123-on-line.blogspot.com/2010/07/hrefhttpsmart.html

    ReplyDelete
  2. Tama! kaya kapag puamsok tayo sa pag nenegosyo kailangan natin nang mabisang pag aaral o pagsasaliksik kung ano nga ba talaga ang maga kaukulan n dapat natin gawin sa negosyo na ating pinasok. :)

    Fast cash loan Philippines

    ReplyDelete
  3. oo tama nga.. kasi lagi din sinasabi sa akin ng mga taong nakapaligid sakin na parang sugal ang negosyo ayaw nila ako pagumpisahin at gusto nila magtrabaho na lang daw at least regular ang kita, sa isang banda di nila nakikita ang pagpaplano ko or kung nakikita man nila laging kumokontra.. sa totoo lang kasi sawa na ako magtrabaho trabaho trabaho at trabaho....... kumikita nga maliit naman asahan mo na na pagsahod kaltas si utang, pamasahe, pagkain, and bills.. halos nagsacycle lang ang buhay ko sa ganyang routine.. kaya natuwa ako nung nabasa ko ito kasi nuon sa isip ko nga parang mga ignorante mga nagsasabi sakin nun yun pala totoo nga hehehe. :D

    ReplyDelete